Romelo

Nag uumapaw ang kasiyahan

Naramdaman ng mga manlalakbay

Pawis at hapo sa matarik na talahiban

Masukal, maalinsangan na kagubatan

Pagsubok mga pinagdaanan

Sa dulo’y kahiwagaan nasaksihan

Buhok ng diwatang yari sa tubig

Pinaalala ang bughaw ng bukang liwayway

Nanghahalina, “Tayo na’t magtampisaw!”

Pumawi ng pagod ang bawat yakap ng tubig

Yelong ihip ng hanging umanyaya ng idlip

Kumulimlim ang langit

Kulog at kidlat

Naparalisa ang lahat

Tsokolateng tubig

Gitna ng ilog

Rumagasa, tumangay

Leave a comment