Ako’y yayabong na, pangarap ng pili,
Lalago’t uusbong inilarawan ang sarili;
Sa paglapag sa lupa ako’y babatiin
Tubig at nutrisyo’y hindi mabibitin
Ang liwanag ng araw saaki’y magpapasigla
Ang hangi’y magsisiawit ng tula sa lira
Inang kalikasan ako’y hahagkan
Yayakapin ng buong puso’t hahalikan

Ngunit sa pagising lahat ay ilusyon
Lupa’y naging konkreto salat tubig at nutrisyon
Nagngangalit na araw hagayhay sa umaga
Dumadagungdong ang sigabo
Aling pumulot maitim ang motibo
Nagwakas ang lahat sa hampas ng bato
