Ang Awit ng Karaniwang Sinta

Salin mula sa Song of a Common Lover ni Flavien Ravaino

Wag mo akong ibigin, sinta,

Na parang anino

Sapagkat ang anino’y nawawala sa gabi

At  ibig kong aangkinin ka sa magdamag;

O tulad ng sili

Na nagpapainit ng aking sikmura

Nang dahil doon ay hindi na mapawi ang aking gutom;

O tulad ng unan

Sapagkat ang pagsasama natin sa pagtulog

Kapalit ay hindi pagkikita sa umaga;

O tulad ng kanin

Na sa paglunok

Ay syang kakalimutan na;

O tulad ng matatamis na salita

Sapagkat sila’y naglalaho;

O tulad ng pulot

Na kay tamis ngunit lubhang pangkaraniwan lamang;

Ibigin mo ako na parang isang kaakit akit na panaginip,

Ang iyong buhay sa gabi,

Ang aking pag asa sa umaga;

Tulad ng baryang pilak

Na aking nilalapit sa lupa

At sa dakilang paglayag,

isang tapat na katuwang;

O tulad ng upo,

Buo, para pangsalok ng tubig

Pira piraso, para sa tulay ng aking luta.

Leave a comment